Pag-ibig at Kapayapaan
Namamangha ako sa kapangyarihang taglay ng kapayapaan (FILIPOS 4:7) dahil nagagawa nitong payapain ang ating mga puso sa gitna ng pagdadalamhati. Naramdaman ko ito noong libing ng aking tatay. Gumaan ang loob ko nang makita ang isang dating kaibigan. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ipinadama niya sa akin ang kanyang pagmamalasakit at nakapagbigay iyon sa akin ng kapayapaan. Ipinaaalala rin niyang…
Gumawa ng Kabutihan
Minsan, nagbakasyon kaming mag-asawa sa ibang bansa. Nang may lumapit sa aming matipunong lalaki, natakot kami. Marami na kasing nangyaring masama sa amin doon. Nadaya kami, nasigawan at maraming beses na kinikilan ng mga tao sa bansang iyon. Pero nagulat kami sa ginawa ng lalaki, sinabi niya sa amin kung saan makikita ang magagandang lugar sa kanilang bansa. Pagkatapos, ngumiti siya,…
Binago ng Pag-ibig
Noong hindi pa ako sumasampalataya sa Panginoong Jesus, takot akong magkaroon ng relasyon sa iba. Ayoko kasing masaktan muli. Kaya naman, si Mama lang ang aking kaibigan hanggang sa maging asawa ko si Alan. Pagkalipas ng pitong taon, nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang aming pagsasama. Noong mga panahong iyon, kinarga ko ang aking anak na si Xavier at pumunta kami…
Palipat-lipat
Ayon sa US Census Bureau, halos 11-12 beses kung magpalipat-lipat ng lugar ang mga Amerikano sa buong buhay nila. Sa mga nagdaang taon, 28 milyong Amerikano na ang nag-impake at lumipat sa bagong bahay.
Nagpalipat-lipat din naman ang mga Israelita noon sa 40 taong pamamalagi nila sa liblib na lugar. Pinangunahan ng Dios ang paglalakbay ng mga Israelita patungo sa lupang…
Selfie
Nagandahan si Krista sa isang parolang nababalutan ng snow na nasa tabi ng lawa. Kaya naman, naisipan niyang kunan ito ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Dahil sa hamog sa suot niyang salamin, wala siyang makita. Itinapat na lamang niya ang kanyang cellphone sa parola at kumuha ng litrato na may iba’t ibang anggulo. Nang makauwi na siya, tiningnan niya ang…